Mga Pandaraya at mga Panloloko
Maaaring mangyari ang mga pandaraya at panloloko sa sinuman, kabilang ang mga namumuhunan. Ang mga mandaraya ay magsisikap na makapasok sa pagitan mo at ng iyong pinaghirapang pera.
Ilang karaniwang uri ng mga panloloko:
Ang pangingikil ay kapag may isang taong nagbabanta, nagpipilit o bina-blackmail ka na magbigay ng pera o kumpidensyal na impormasyon na magagamit nila para sa kanilang pakinabang.
Ang kaugnayan na panloloko ay isang uri ng panloloko kung saan nilalapitan ng mga manloloko ang mga potensyal na biktima sa pamamagitan ng isang grupo o organisasyong pangkomunidad na kinabibilangan nila. Ang mga grupong ito ay maaaring mga relihiyosong grupo, mga grupong etniko, o kahit na mga komunidad ng mga manggagawa tulad ng mga unyon o militar.
Maaaring makipag-ugnayan sa iyo ang isang mandaraya sa pamamagitan ng social media at mga site ng tipanan o sa pamamagitan ng email at kumbinsihin kang pumasok sa isang virtual, online na relasyon upang makuha nila ang iyong tiwala at pagmamahal. Kapag nakuha ng mandaraya ang iyong tiwala, hihingi sila ng pera sa iyo o sasabihing matutulungan ka nilang mamuhunan.
Nangangako ang mga manloloko ng mataas na kita sa mga pamumuhunan sa asset ng crypto. Maaaring kailanganin mong magbukas ng pamumuhunan na account gamit ang isang plataporma ng pangangalakal ng crypto. Kapag tiningnan mo ang account walang pera o pamumuhunan ng crypto asset. Tandaan kung ang isang bagay ay mukhang napakaganda para maging totoo, kung gayon ito ay malamang na ito ay masyadong magandang para maging totoo.
Ang pagnanakaw ng pagkakakilanlan ay kapag ginamit ng isang tao ang iyong personal na impormasyon upang gumawa ng pandaraya. Maaari nilang gamitin ang iyong personal na impormasyon – pangalan, numero ng segurong panlipunan [SIN number], numero ng kredit kard o iba pang impormasyon upang kumuha ng pera mula sa iyong account sa bangko, gamitin ang iyong kredit kard, magbukas ng account o mag-aplay para sa isang utang o kredit kard – nang hindi mo nalalaman.
Sa kanilang sarili, ang mga hindi saklaw sa mga seguridad ay hindi mga panloloko. Ngunit ang ilang mga manloloko ay naglalagay ng mga mapanlinlang na pamumuhunan bilang mga “hindi saklaw” na mga seguridad. Maaaring sabihin nila sa iyo na gagawa sila ng eksemsyon para sa iyo na lumahok sa isang espesyal na panukala. Maghinala kung makatanggap ka ng hindi hinihinging tawag sa telepono tungkol sa isang mainit na tip sa isang nangangakong negosyo na malapit nang “magsapubliko” at makipag-ugnayan sa iyong lokal na tagaayos ng mga seguridad regulator upang tingnan.
Ang mga Forex na anunsyo ay nagsusulong ng madaling pag-akses sa merkado sa dayuhang pagpalit, kadalasan sa pamamagitan ng mga kurso o software. Ngunit ang pangangalakal ng dayuhang pagpalit ay pinangungunahan ng malalaking, mahusay na mapagkukunang internasyonal na mga bangko na may mataas na sinanay na kawani, pag-akses sa nangungunang teknolohiya at mga malalaking account. Napakahirap talunin ang mga propesyonal na ito.
Nangangako ang panloloko na ito ng malaking kita kung ipapadala mo ang iyong pera “offshore” sa ibang bansa. Kadalasan ang layunin ay babaan o iwasan ang iyong mga buwis, ngunit maaari kang magkaroon ng utang sa pamahalaan sa mga buwis, interes at mga parusa. Gayundin, kung may nangyaring mali, malamang na hindi mo madadala ang iyong kaso sa sibil na hukuman sa Canada.
Nangyayari ang phishing kapag nagpanggap ang isang estranghero bilang isang taong mapagkakatiwalaan upang makuha ang iyong pribadong impormasyon, gaya ng iyong mga password o impormasyon sa pagbabangko. Maaari itong dumating sa anyo ng isang email o mensahe na humihiling sa iyo na mag-click sa isang link o kalakip. Maaari silang magpanggap bilang isang institusyong pinansyal o ahensya ng pamahalaan. Ang pinakamahusay na paraan upang harapin ang mga kahina-hinalang mensahe tulad nito ay tanggalin ang mga ito.
Ang mga pakanang ito ay nagrerekluta ng mga tao sa pamamagitan ng mga anunsyo at e-mail na nangangako na maaari kang kumita ng malaking pera sa pagtatrabaho mula sa bahay o gawing $20,000 ang $10 sa loob lamang ng mga ilang linggo. O, maaari kang mabigyan ng pagkakataong sumali sa isang espesyal na grupo ng mga namumuhunan na yumaman sa isang mahusay na pamumuhunan. Ang imbitasyon ay maaaring magmula sa isang taong kilala mo.
Nakikipag-ugnayan sa iyo ang mga manloloko para isulong ang isang mababang presyong kalakal. Ang hindi mo alam ay ang nagmamay-ari ang manloloko ng malaking halaga ng kalakal na ito. Habang ikaw at ang iba pang namumuhunan ay bumibili ng mga sapi, ang halaga ng kalakal ay tumataas. Sa pinakamataas na presyo, ibinebenta ng manloloko ang kanilang mga sapi at ang halaga ng kalakal ay bumabagsak, na nag-iiwan sa iyo ng walang halagang mga kalakal.
Sa panlolokong ito, hinihikayat ang biktima na magbayad ng pera nang maaga upang samantalahin ang isang pagkakataon na may pangakong makatanggap ng mas mataas na kita para sa isang produkto o serbisyo. Ngunit kinukuha ng manloloko ang pera at hindi na sila muling maririnig ng biktima. Ang mga mamumuhunan na nawalan ng pera sa isang mapanganib na pamumuhunan ay kadalasang tinatarget.
Iwasan ang pandaraya
Ang pag-alam kung ano ang hahanapin ay makakatulong sa iyong maiwasan na mawalan ng pera sa pandaraya.
Mga babala ng pandaraya
Maghinala kung ang isang taong hindi mo kilala ay nakipag-ugnayan sa iyo tungkol sa isang hindi hinihinging alok o oportunidad. Tanungin ang iyong sarili kung bakit nakikipag-ugnayan sa iyo ang taong iyon.
Huwag tumugon o mag-click o anumang mga link o mga kalakip na natatanggap mo. Beripikahin kung sino ang iyong kinakaharap bago ka magbigay ng anumang impormasyon. Hanapin ang numero ng telepono para sa kumpanya at tumawag upang kumpirmahin na ang tao ay talagang nagtatrabaho para sa organisasyon.
Kung may nangako sa iyo ng pamumuhunan na may mataas na kita na may maliit o walang panganib, ang pamumuhunan na inaalok nila ay maaaring isang panloloko. Sa pangkalahatan, mas mataas ang potensyal na pagbalik ng isang pamumuhunan, mas mataas ang panganib ng pamumuhunan na iyon.
Ang mga pinagmumulan ng “maiinit na pasisiwalat” o “impormasyon ng tagaloob” ay hindi iniisip ang iyong mga pinakamahusay na interes. Isipin kung bakit nag-aalok sila sa iyo ng mga tip, at kung paano sila nakikinabang sa pagsasabi sa iyo tungkol sa mga ito. Kung ito ay talagang panloob na impormasyon tungkol sa isang publikong kumpanya, magiging labag sa batas ang pagkilos dito sa ilalim ng mga batas ng panloob na pangangalakal.
Ang mga mandaraya ay madalas na gumagamit ng mga taktika sa pagbebenta ng mataas na presyon upang mabilis na makuha ang iyong pera at pagkatapos ay lumilipat sa iba pang mga biktima. Maging napaka-ingat kung hihilingin sa iyo na gumawa ng desisyon kaagad o binibigyan ka ng isang limitadong oras na alok.
Bago ka mamuhunan, suriin ang pagpaparehistro ng taong nag-aalok sa iyo ng pamumuhunan. Sa pangkalahatan, ang sinumang nagbebenta ng mga seguridad o nag-aalok ng payo sa pamumuhunan ay dapat na nakarehistro sa kanilang panlalawigang taga-ayos ng mga seguridad.
Pag-iwas sa pandaraya sa pamumuhunan
4 na paraan upang maiwasan ang pandaraya sa pamumuhunan
Bago ka mamuhunan, kumuha ng pangalawang opinyon mula sa isang rehistradong tagapayo, abogado o isang accountant.
Makipag-ugnayan sa OSC upang siyasatin ang pagpaparehistro ng taong nagbebenta ng mga seguridad o nag-aalok ng payo sa pamumuhunan.
Maglaan ng oras na kailangan mo upang gumawa ng may kaalamang desisyon.
Magsaliksik sa pamumuhunan upang maunawaan kung paano ito gumagana, ang panganib at anumang mga bayarin. Tiyaking akma ito sa iyong mga layunin sa pananalapi at sa iyong iba pang mga pamumuhunan.
Pagprotekta sa iyong impormasyon
Alamin kung paano mo mapapanatili na ligtas ang iyong impormasyon sa pananalapi upang maiwasan ang pandaraya sa pananalapi at pagnanakaw ng pagkakakilanlan.
Checklist para protektahan ang iyong personal at pinansyal na impormasyon
Panatilihing pribado ang iyong personal na impormasyon ng pagkakakilanlan, kabilang ang iyong numero ng panlipunang seguro [social insurance], petsa ng kapanganakan, numero ng lisensya sa pagmamaneho, atbp. Dalhin lamang ang mga dokumentong pagkakakilanlan na kailangan mo sa iyong wallet.
Mag-imbak ng mga personal na dokumento sa isang ligtas na lugar.
Huwag kailanman tumugon sa isang email o tawag sa telepono na humihiling sa iyong magbigay ng personal na impormasyon.
Madalas na i-clear ang iyong mga login, mga password at kasaysayan sa browser, lalo na kapag gumagamit ng pampublikong kompyuter o network.
Panatilihin ang iyong anti-virus software napapanahon at regular na baguhin ang iyong mga password.
Magtakda ng mas mahuhusay na password gamit ang kumbinasyon ng mga titik, mga simbolo at mga numero. O, gumamit ng tagapamahala ng password na bubuo ng malalakas na password na ligtas na naka-kodigo [encrypted].
Paganahin ang maramihang-salik na pagpapatunay [multi-factor authentication (MFA)], kung magagamit. Nagdaragdag ang MFA ng dalawa o higit pang mga hakbang sa pagsusuri ng pagkakakilanlan sa mga pag-login ng user bago ka bigyan ng akses.
Matuto nang higit pa.Gumamit ng mga ligtas at pinagkakatiwalaang website. Pag-aralan na makilala ang mga pekeng website at beripikahin ang mga lehitimong website. Matuto nang higit pa.
Suriin ang iyong mga ulat ng bangko at kredit kard, kahit buwan-buwan para maghanap ng mga pagkakamali o hindi awtorisadong transaksyon. Iulat kaagad ang anumang mga isyu sa iyong institusyong pampinansyal.
Gutay-gutayin ang mga dokumento na hindi mo kailangan gaya ng mga resibo, mga ulat ng bangko, mga ATM na resibo, mga check stub o ulat ng kredit kard.
Suriin ang iyong ulat ng kredito at iskor taun-taon.
Iulat kaagad ang nawala o ninakaw na pagkakakilanlan, mga debit kard o kredit kard sa iyong institusyong pampinansyal at mga kawanihan nang pag-uulat ng kredito ng Canada.
Magsiyasat bago ka mamuhunan
Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan upang makatulong na maiwasan ang pandaraya sa pamumuhunan ay ang pagberipikasyon na ang sinumang taong nag-aalok sa iyo ng pamumuhunan o payo sa pamumuhunan ay nakarehistro upang gawin ito.
Sa pangkalahatan, ang sinumang nagbebenta ng mga seguridad o nag-aalok ng payo sa pamumuhunan ay dapat na nakarehistro sa kanilang panlalawigang taga-ayos ng mga seguridad sa mga lalawigan at mga teritoryo kung saan sila ay nag-aalok ng kanilang mga serbisyo.
Nakakatulong ang pagpaparehistro na protektahan ang mga namumuhunan dahil ang mga taga-ayos ng pamumuhunan, tulad ng Komisyon ng mga Seguridad sa Ontario [Ontario Securities Commission], ay magrerehistro lamang ng mga tao o mga kumpanya na kwalipikadong magbenta ng mga pamumuhunan o mag-alok ng payo sa publiko.
Ano ang kinakailangan upang nakarehistro?
Dapat matugunan ng mga indibidwal ang ilang mga kinakailangan sa edukasyon at karanasan upang nakarehistro. Ang mga kinakailangang ito ay nakadepende sa kung anong kategorya ng pagpaparehistro ang ina-aplayan ng isang indibidwal. Ang bawat kategorya ay may iba’t ibang mga pangangailangan at pinahihintulutan ang iba’t ibang aktibidad.
Ang mga kumpanya at mga indibidwal ay dapat kumilos nang may integridad, na kinabibilangan ng katapatan at mabuting hangarin, lalo na sa pakikitungo sa mga kliyente. Ang mga indibidwal ay napapailalim sa karanasan at pagsusuri ng pulisya at mga kumpanya at lahat ng mga rehistradong indibidwal ay kinakailangan muling baguhin ang kanilang pagpaparehistro bawat taon.
Dapat mapanatili ng mga kumpanya ang kakayahan sa pagbabayad ng utang sa pamamagitan ng pagtugon sa mga kinakailangan sa kapital at seguro na kinakailangan upang maisagawa ang kanilang mga obligasyon sa pang-araw-araw. Hindi rin ginagarantiya ng pagpaparehistro na kikita ka o hindi ka mawawalan ng pera.
Ang pagsisiyasat ng rehistrasyon ay mabilis at madaling gawin. Gamitin ang kagamitan sa Paghahanap ng Pambansang Pagpaparehistro [National Registration Search] upang suriin ang katayuan ng pagpaparehistro at suriin ang kasaysayan ng disiplina ng sinumang tao o negosyo sa industriya ng pamumuhunan.
Siyasatin ang rehistrasyon ng isang negosyo o indibidwal ngayon