Komisyon ng mga Seguridad ng Ontario [Ontario Securities Commission (OSC)]
Ang OSC ay nagbibigay ng proteksyon sa mga namumuhunan mula sa hindi patas, hindi wasto o mapanlinlang na mga gawi, upang pasiglahin ang patas, mahusay at mapagkumpitensyang mga pamilihang kapital at kumpiyansa sa mga pamilihang kapital, upang pasiglahin ang pagbuo ng kapital, at mag-ambag sa katatagan ng sistema ng pananalapi at pagbabawas ng sistematikong panganib.
Sa partikular, ang OSC ay gumagana upang protektahan ang mga namumuhunan sa pamamagitan ng paggawa at pagpapatupad ng mga patakaran na namamahala sa industriya ng mga seguridad sa Ontario.
Ang Opisina ng Mamumuhunan (www.InvestorOffice.ca) ay isang sangay ng pagpapatakbo ng regulasyon ng OSC.
Itinatakda ng Opisina ng Namumuhunan ang estratehikong direksyon at pinamumunuan ang mga pagsisikap ng OSC sa pakikipag-ugnayan sa namumuhunan, edukasyon, pag-aabot at pananaliksik. Ang Opisina ay mayroon ding tungkulin sa patakaran, gumaganap ng mahalagang papel sa pangangasiwa ng Ombudsman para sa mga Serbisyo ng Bangko at mga Pamumuhunan [Banking Services and Investments (OBSI)], at nagbibigay ng pamumuno sa larangan ng mga pananaw sa pag-uugali sa OSC.
Makipag-ugnayan sa amin
Maaari kang makipag-ugnayan sa Sentro ng mga Pagtatanong at Pakikipag-ugnayan ng Komisyon ng mga Seguridad ng Ontario [Inquiries and Contact Center ng Ontario Securities Commission] kung mayroon kang tanong o reklamo tungkol sa isang kumpanya, isang produkto ng pamumuhunan, o pag-uugali ng iyong kinatawan sa pananalapi.
Maaaring sagutin ng pangkat ang iyong mga tanong sa mahigit sa 200 mga wika.
Makipag-ugnayan sa amin
Lokal (Toronto)
416-593-8314
Libreng tawag (Hilagang Amerika)
1-877-785-1555
TTY
1-866-827-1295
Fax (Mga Pagtatanong at mga reklamo)
416-593-8122
Sasagutin ng Sentro ng mga Pagtatanong at Pakikipag-ugnayan ang iyong mga tanong at maaaring isangguni ang iyong reklamo o pagtatanong sa ibang sangay sa Komisyon ng mga Seguridad ng Ontario.
Makakatulong kamiGetSmarterAboutMoney.ca
Ang GetSmarterAboutMoney.ca ay isang website ng Komisyon ng mga Seguridad ng Ontario na nagbibigay ng independiyente at walang pinapanigang impormasyon at mga kagamitan sa pananalapi upang matulungan kang gumawa ng mas mahusay na mga desisyon tungkol sa iyong pera.
Dito makikita mo ang impormasyon sa mga pangunahing kaalaman sa pamumuhunan, ang iba’t ibang mga uri ng mga investment account na magagamit sa Canada, at mga katanungang itatanong bago ka pumili ng pamumuhunan.
Ang GetSmarterAboutMoney.ca ay mayroon ding mga kalkulator, worksheet at mga pagsusulit upang matulungan kang gumawa ng mas matalinong mga desisyon sa pamumuhunan para sa iyo at sa iyong pamilya.