Mabuti na magkaroon ng malinaw na larawan kung gaano karaming pera ang iyong ginagastos kumpara sa kung magkano ang iyong kinikita. Kung mayroon kang mataas na interes na utang, maaaring makatulong na gumawa ng plano na bayaran muna ang utang bago mamuhunan.
Pagbabadyet
Ang paggawa ng badyet ay isa sa mga pinakamahusay na gawi sa pananalapi na maaari mong simulan, sa anumang edad. Magbibigay ito ng mas malinaw na larawan kung paano mo pinamamahalaan ang iyong pera at tutulungan kang gumawa ng mga desisyon sa pananalapi na tama para sa iyo.
Makakatulong sa iyo ang isang badyet na subaybayan ang iyong mga kita at gastusin, mapamahalaan ang mga bayarin, at malaman kung magkano ang kailangan mong ipunin upang maabot ang iyong mga layunin sa pananalapi.
Mga hakbang sa paggawa ng badyet
Ipagsamahin ang iyong kita pagkatapos ng buwis. Siguraduhing isama ang lahat ng pinangggalingan, gaya ng kita sa trabaho, mga benepisyo ng pamahalaan, kita ng malayang trabaho, atbp.
Ipagsamahin ang iyong mga nakapirming buwanang gastos. Ipagsamahin ang iyong mga buwanang gastos na malamang na manatiling pareho, tulad ng renta o sangla, mga palingkuran-bayan, at mga pagbabayad sa pautang.
Tantyahin ang iyong mga pabagu-bago na gastos. Maaaring magbago ang mga ito sa bawat buwan, para sa mga bagay tulad ng mga gastusin sa groseri, gas, o libangan. Ang ilan ay maaaring kailanganin, ang iba ay maaari mong bawasan.
Magplano ng ilang paminsan-minsang gastusin kung kaya mo, tulad ng mga regalo, damit, o hindi inaasahang mga gastos.
Magplanong magtabi ng ilang halaga sa iyong ipon. Ang pera na natitira pagkatapos na bayaran ang iyong mga gastos ay maaaring ilagay sa mga panandaliang layunin tulad ng pang-emerhensiyang pondo, o ang iyong mga pangmatagalang layunin sa pag-iimpok at pamumuhunan.
Suriin ang iyong badyet bawat buwan at isaayos kung saan kinakailangan.
Maaaring magbago ang iyong badyet habang nagbabago ang iyong sitwasyon.
Pag-iipon
Tinutulungan ka ng pag-iipon na maabot ang mga panandaliang layunin. Ang mga ito ay maaaring katamtamang pag-iipon para sa isang bagong telepono o mga tiket sa konsiyerto. O maaari itong bumuo ng isang pang-emerhensiyang pondo upang matulungan ka sa isang hindi tiyak na oras sa hinaharap.
Karaniwan, ang mga layunin sa pag-iipon ay may kasamang partikular na halaga ng pera na alam mong kailangan mong ipunin.
Halimbawa, kung gusto mong magkaroon ng pang-emerhensiyang pondo na nagkakahalaga ng tatlong buwang gastusin sa pamumuhay, magagawa mong kalkulahin iyon batay sa iyong kasalukuyang buwanang paggastos.
Maaari kang magtabi ng pera para sa ipon bawat buwan o bawat linggo, depende sa iyong daloy ng pera. Subukang gawin itong isang awtomatikong ugali sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga direktang paglilipat mula sa isang bank account patungo sa isa pa.
Mga paraan para mag-ipon ng pera ay kinabibilangan ng:
- Pag-aayos ng direktang deposito sa parehong araw ng iyong tseke ng suweldo
- Paggawa ng plano sa pag-iipon para sa iyong pagsasauli ng bayad sa buwis
- Paggamit ng mga app sa pag-iipon o mga tampok na ‘pag-round up’ sa iyong pagbabangko sa online
- Pagkolekta ng mga natitirang perang papel at barya sa isang garapon sa katapusan ng linggo
May pakinabang ang gawing ugali ang pag-iipon. Kahit maliit na halaga ay nagdaragdag sa paglipas ng panahon.
Itago ang iyong mga ipon sa isang lugar na mabilis mong makuha kapag kailangan mo ito, ngunit sa isang ligtas na lugar pa rin, gaya ng isang savings account. Tutulungan ka ng mga account na ito na palaguin ang iyong pera sa pamamagitan ng compound interest.
Ang mga ipon at mga chequing account ay karaniwang kung saan naglalagay ang mga tao ng pera na plano nilang gastusin sa lalong madaling panahon.
Ang isang savings account ay maaaring gamitin upang magtabi ng pera para sa mga emerhensiya o upang mag-ipon para sa isang malaking bilihin. Ang isang chequing account ay maaaring gamitin para sa pang-araw-araw na paggastos o upang magbayad ng mga bayarin. Maaaring gamitin ang isang investment account para sa mga layunin ng pamumuhunan.
Kung ikaw ay wala pang 18 taong gulang, maaari kang magbukas ng savings o chequing account sa tulong ng isang magulang o tagapag-alaga. Kakailanganin mong magkaroon ng 2 pirasong katanggap-tanggap na pagkakakilanlan upang makapagbukas ng isang account. Para magbukas ng investment account, ang iyong magulang o lolo’t lola ay kailangang magbukas ng in-trust account (pinamamahalaan ng isang itinalagang tagapangasiwa) para sa iyo.
Mayroong ilang iba’t ibang uri ng mga institusyong pampinansyal na nag-aalok ng mga ganitong uring mga account:
- Mga bangko at trust na kumpanya
- Mga unyon ng pautang (credit union)
- Mga kumpanya ng pamumuhunan
Mga rehistradong plano
Upang matulungan kang mag-ipon, gumawa ang Pamahalaan ng Canada ng ilang mga plano sa pag-iipon at pamumuhunan. Tinatawag na “mga rehistradong plano”, ito ay mga account na maaaring magkaroon ng cash o mga kwalipikadong pamumuhunan.
Maaaring gamitin ang mga account na ito bilang pamumuhunan na account o savings account. Ang mga ito ay hindi nilayon para sa pang-araw-araw na paggamit tulad ng isang chequing account.
Mga RDSP
Ang Registered Disability Savings Plan (RDSP) ay isang pangmatagalang plano sa pag-iipon para tulungan ang mga taong karapat-dapat para sa Disability Tax Credit para makaipon para sa hinaharap. Kapag nagbukas ka ng isang plano, maaari ka ring makakuha ng mga gawad at mga bono mula sa Pamahalaan at ang iyong mga pamumuhunan ay lumalago nang walang buwis.
8 bagay na dapat malaman tungkol sa mga RDSP
Ang benepisyaryo ay ang taong may kapansanan na tatanggap ng pera sa hinaharap.
Ang may hawak ng plano ay ang taong nagbukas at namamahala ng RDSP. Ang benepisyaryo ay maaari ding maging may hawak ng plano.
Walang taunang limitasyon sa mga kontribusyon ngunit ang habangbuhay na limitasyon ng kontribusyon para sa isang benepisyaryo ay $200,000.
Maaaring magbigay ng kontribusyon sa plano hanggang sa maging 59 taong gulang ang benepisyaryo.
Ang mga kontribusyon ay hindi nababawas sa buwis, ngunit ang iyong mga ipon ay lumalaki nang walang buwis. Walang buwis sa mga kita sa pamumuhunan,
Hanggang sa edad na 59, ang benepisyaryo ay maaaring maging karapat-dapat para sa mga kontribusyon ng pamahalaan sa RDSP sa ilalim ng Gawad sa mga Ipon para sa may Kapansanan ng Canada [Canada Disability Savings Grant], at Bono ng mga Ipon para sa may Kapansanan ng Canada [Canada Disability Savings Bond].
Ang ipon ng RDSP ay maaaring itago sa iba’t ibang mga pamumuhunan, depende sa kung saan binuksan ang plano.
Ang benepisyaryo ay dapat magsimulang kumuha ng mga regular na pagbabayad (mga bayad sa tulong sa kapansanan) mula sa plano sa edad na 60 taong gulang.
Mga kontribusyon at mga pag-withdraw ng RDSP
Kahit sino ay maaaring mag-ambag sa isang RDSP hanggang sa katapusan ng taon kung saan ang benepisyaryo ay naging 59 taong gulang, o kapag ang $200,000 na limitasyon sa kontribusyon ay naabot na.
Sa pangkalahatan, kung mag-withdraw ka ng pera mula sa iyong RDSP, dapat mong muling bayaran ang ilan o lahat ng mga gawad at mga bono na nasa plano na wala pang 10 taon.
Dapat magsimula ang mga regular na pagbabayad sa edad na 60 taong gulang
Ang mga pagbabayad ay dapat gawin nang hindi bababa sa bawat taon
Ang mga pagbabayad ay nabubuwisan hanggang sa lumampas ang mga ito sa mga kontribusyon
Mga RESP
Ang Rehistradong Plano ng Pag-iipon para sa Edukasyon [Registered Education Savings Plan (RESP)] ay isang dedikadong plano ng pag-iipon para tulungan kang mag-ipon para sa edukasyon ng iyong anak pagkatapos ng mataas na paaralan.
Kung mayroon kang RESP para sa isang bata, ang Pamahalaan ng Canada ay magbibigay ng karagdagang mga insentibo sa pag-iipon sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga gawad sa edukasyon hanggang sa isang tiyak na limitasyon upang matulungan kang makaipon para sa edukasyon ng iyong anak. Ang halagang natatanggap mo ay depende sa iyong taunang kontribusyon at kita ng sambahayan.
3 mga uri ng RESP:
Ang isang indibidwal na plano ay inilalaan upang bayaran ang edukasyon ng isang benepisyaryo. Sinuman ay maaaring magbukas ng isang indibidwal na plano at sinuman ay maaaring mag-ambag dito. Maaari ka ring magbukas ng plano para sa iyong sarili. Karaniwang hindi mo kailangang gumawa ng pinakamababang deposito. Kung ang benepisyaryo ay hindi nagpatuloy sa kanilang pag-aaral pagkatapos ng mataas na paaralan, maaari mong pangalanan ang isa pang benepisyaryo.
Mga kontribusyon
Ikaw ang magpapasya kung kailan at gaano karaming pera ang ilalagay, hanggang sa habambuhay na limitasyon ng kontribusyon na $50,000 para sa isang benepisyaryo.
Ang plano ng pamilya ay maaaring magkaroon ng higit sa isang benepisyaryo. Ngunit ang bawat benepisyaryo ay dapat na may kaugnayan sa taong nagbubukas ng plano (halimbawa, ang iyong mga anak, mga apo, mga kapatid na lalaki at babae), at wala pang 21 taong gulang kapag pinangalanan mo sila.
Mga kontribusyon
Karaniwang hindi mo kailangang gumawa ng pinakamababang deposito kapag binuksan mo ang plano at nagpasya ka kung kailan at gaano karaming pera ang ilalagay, hanggang sa panghabambuhay na limitasyon na $50,000 para sa bawat benepisyaryo.
Ang mga plano ng grupo ay gumagana nang iba sa mga plano ng indibidwal at pamilya, at ang bawat plano ay may sariling mga patakaran. May posibilidad din silang magkaroon ng mas mataas na bayad at mas mahigpit na mga panuntunan. Ang bata ay hindi kailangang may kaugnayan sa iyo at dapat kang gumawa ng isang pinakamababang deposito kapag binuksan mo ang plano.
Mga kontribusyon
- Naglalagay ka ng pera sa RESP ayon sa nakatakdang iskedyul, hanggang sa habambuhay na limitasyon ng kontribusyon na $50,000 para sa isang benepisyaryo.
- Ang perang inilagay mo ay pinagsama-sama sa mga kontribusyon ng iba pang namumuhunan.
- Ang lahat ng mga desisyon sa pamumuhunan ay ginagawa para sa iyo.
Mayroon kang 60 mga araw pagkatapos lagdaan ang iyong kontrata upang kanselahin ang mga plano na ibinigay ng mga negosyante ng plano ng iskolarsip nang walang anumang parusa.
Mga RRIF
Rehistradong Pondo ng Kita para sa Pagreretiro [Registered Retirement Income Fund (RRIF)] ay isang account na may hawak ng iyong rehistradong pag-iipon panretirado at nagbibigay sa iyo ng kita pagkatapos mong magretiro.
Maaari kang magbukas ng RRIF sa pamamagitan ng paglilipat ng mga naipon mula sa retirement account gaya ng RRSP.
6 na mga bagay na dapat malaman tungkol sa mga RRIF
Maaari kang magbukas ng RRIF anumang oras, ngunit hindi lalampas sa katapusan ng taon na magiging 71 taong gulang ka na.
Magbukas ka ng RRIF sa pamamagitan ng paglilipat ng pera mula sa iyong RRSP. Ang mga paglilipat mula sa iba pang mga rehistradong plano tulad ng mga plano sa pensyon at mga DPSP ay pinapayagan sa ilalim ng ilang mga pangyayari.
Kapag naayos na ang RRIF, hindi ka na makakapagbigay ng anumang kontribusyon sa plano. Gayunpaman, maaari kang magkaroon ng higit sa isang RRIF.
Pipiliin mo ang mga uri ng pamumuhunan na hahawakan sa isang RRIF. Mga halimbawa: Mga GIC, mga mutual fund, mga ETF, mga pinaghiwalay na pondo, mga stock at mga bono.
Dapat kang kumuha ng pinakamababang halaga mula sa iyong RRIF bawat taon. Ang halagang ito ay tumataas habang ikaw ay tumatanda. Walang pinakamataas na limitasyon sa pag-withdraw.
Kung anumang pera ang naiwan sa iyong RRIF kapag namatay ka, ito ay mapupunta sa iyong mga pinangalanang benepisyaryo o sa iyong propyedad.
Pag-withdraw ng RRIF
Kailangan mong magsimulang mag-withdraw ng pera mula sa iyong RRIF sa taon pagkatapos mong buksan ito. Ang pederal na pamahalaan ay nagtatakda ng pinakamababang halaga na dapat mong kunin sa iyong RRIF bawat taon at ito ay batay sa isang porsyento ng halaga ng iyong RRIF.
Mga bayarin sa RRIF
Walang bayad sa pag-aayos para sa karamihan ng mga RRIF, ngunit maaari kang magbayad ng iba pang mga bayarin kapag nagbukas ka ng isang plano. Maaaring kabilang sa mga bayarin na ito ang taunang bayad sa administratibo o tagapangasiwa, mga bayarin sa pamumuhunan at mga bayarin para sa paggawa ng mga pagbabago sa iyong RRIF.
Mga RRSP
Ang Rehistradong Plano ng Pag-iipon para sa Pagreretiro [Registered Retirement Savings Plan (RRSP)] ay isang account na nakarehistro sa pederal na pamahalaan, at nilalayon upang tulungan kang mag-ipon ng pera para sa pagreretiro. Ang mga kontribusyon sa RRSP ay ipinagpaliban ng buwis. Nangangahulugan ito na hindi ka magbabayad ng buwis sa iyong kita na ginamit para sa mga kontribusyon, ngunit magbabayad ka ng buwis sa iyong mga pag-withdraw.
Bago ka magbukas ng RRSP, dapat ay nagtrabaho ka sa Canada at nag-file ng tax return. Ang halaga na maaari mong iambag sa isang RRSP ay batay sa iyong kinita na kita, hanggang sa ilang mga limitasyon.
5 mga dahilan para magbukas ng RRSP
Ang mga kontribusyon ay mababawas sa buwis. Inaangkin mo ang iyong kontribusyon sa RRSP bilang kaltas sa iyong tax return. Halimbawa, kung ikaw ay nasa nangungunang kategorya ng buwis sa Ontario, bawat $1,000 na iyong iaambag ay binabawasan ang buwis na iyong binabayaran ng humigit-kumulang na $535.
Ang pag-iipon ay lumalago nang walang buwis. Hindi ka magbabayad ng anumang buwis sa mga kita sa pamumuhunan hangga’t nananatili sila sa iyong RRSP. Ang pagsasama-samang libre sa buwis na ito ay nagbibigay-daan sa iyong ipon na lumago nang mas mabilis.
Maaari mong palitan ang iyong RRSP upang makakuha ng mga regular na pagbabayad kapag nagretiro ka. Maaari mong ilipat ang iyong libre sa buwis na RRSP na ipon sa isang RRIF o isang kinikita sa isang taon [annuity] kapag nagretiro ka. Magbabayad ka ng buwis sa mga regular na pagbabayad na natatanggap mo bawat taon — ngunit kung nasa mas mababang kategorya ng buwis ka sa pagreretiro, babayaran mo ang mas kaunting buwis. Ang kinakailangang petsa ng palipat ay ang petsa kung kailan ka naging 71 taong gulang.
Maaaring bawasan ng isang RRSP ng asawa ang iyong pinagsamang pasanin sa buwis. Kung kumikita ka ng mas maraming pera kaysa sa iyong asawa, maaari kang tumulong na bumuo ng kanilang mga ipon na walang buwis sa pamamagitan ng pag-aambag sa isang RRSP ng asawa. Ang kita sa pagreretiro ay hahatiin nang mas pantay sa pagitan ninyong dalawa — na maaaring mabawasan ang kabuuang halaga ng buwis na babayaran ninyo.
Maaari kang humiram sa iyong RRSP para bilhin ang iyong unang bahay o mabayaran ang iyong pag-aaral. Maaari kang kumuha ng hanggang $35,000 para sa paunang bayad para sa iyong unang tahanan o hanggang $20,000 upang bayaran ang mga gastos sa edukasyon para sa iyo o sa iyong asawa. Hindi ka magbabayad ng anumang mga buwis sa mga pag-withdraw na ito hangga’t binabayaran mo ang pera sa loob ng tinukoy na mga yugtong panahon.
Gamitin itong RRSP kalkulator ng mga naipon para malaman kung magkano ang magiging halaga ng iyong RRSP sa pagreretiro.
RRSP kalkulator ng mgaPaghahambing ng TFSA at RRSP
Parehong nag-aalok ang mga TFSA at mga RRSP ng mga benepisyo sa buwis upang matulungan kang maabot ang iyong mga layunin sa pag-iipon. Pareho silang magagamit sa pag-iipon para sa pagreretiro. Ngunit kung kailangan mong pumili ng isa sa isa, tiyaking naiintindihan mo kung paano sila naiiba. At pagkatapos ay gawin ang iyong pagpili batay sa iyong sariling sitwasyon sa pananalapi at buwis.
- Ang RRSP ay inilaan para sa pag-iipon sa pagreretiro. Ang TFSA ay inilaan para sa anumang uri ng layunin sa pag-iion.
- Ang mga kontribusyon sa RRSP ay mababawas sa buwis. Ang mga kontribusyon ng TFSA ay hindi. Sa RRSP, ibinabawas mo ang iyong kontribusyon mula sa kita na iyong iniulat sa iyong tax return. Sa TFSA, hindi mo maaaring ibawas ang iyong kontribusyon sa iyong tax return.
- Nagbabayad ka ng buwis sa iyong mga pag-withdraw sa RRSP dahil ginawa mo ang mga kontribusyon gamit ang mga dolyares bago ang buwis. Ang mga pag-withdraw ng TFSA ay walang buwis dahil ginawa mo ang mga kontribusyon gamit ang mga dolyares pagkatapos ng buwis.
- Sa taong ikaw ay naging 71 taong gulang, hindi ka na makakapagbigay ng anumang mga kontribusyon sa iyong RRSP at dapat mo itong isara. Sa oras na iyon, kailangan mong gamitin ang iyong mga ipon upang bumili ng alinman sa isang RRIF o isang kinkita sa isang taon [annuity]. Sa isang TFSA, hindi mo kailangang huminto sa pag-aambag o isara ito sa isang partikular na edad.
- Kailangan mo ng kinitang kita upang makapag-ambag sa isang RRSP ngunit hindi sa isang TFSA.
- Sa parehong mga plano, maaari mong pangalanan ang iyong asawa bilang isang benepisyaryo. Ang pera ay mapupunta sa kanila sa iyong kamatayan. Ngunit sa isang RRSP, pagkatapos mamatay ang iyong asawa, ang mga buwis ay babayaran sa anumang perang natitira sa account. Kaya kung ang mga anak mo ang magmana ng pera, matatanggap nila ang natitira pagkatapos mabayaran ang buwis. Sa isang TFSA, ang pagtaas lamang ng halaga ng TFSA mula noong petsa ng kamatayan ay binubuwisan sa taon na natanggap ito ng mga bata. Kung ang halagang natatanggap nila ay hindi mas malaki kaysa sa halaga ng TFSA sa pagkamatay, walang buwis na babayaran.
Mga TFSA
Ang Savings Account na Walang Buwis [Tax-Free Savings Account (TFSA)] ay isang account sa pag-iipon na nakarehistro sa pederal na pamahalaan na hinahayaan kang mag-ipon nang walang buwis para sa anumang layunin na gusto mo.
8 mga bagay na dapat malaman tungkol sa mga TFSA
Maaari kang magbukas ng TFSA kung ikaw ay 18 taong gulang at mas matanda at may balidong numero ng panlipunang seguro [social insurance number].
Maaari kang maglagay ng pera anumang oras, hanggang sa mga limitasyong itinakda.
Makakapag-ipon ka nang walang buwis para sa anumang layunin na gusto mo (kotse, tahanan, bakasyon).
Hindi mo kailangan ng kinitang kita para makapag-ambag.
Maaari kang maglabas ng pera kapag gusto mo, sa anumang kadahilanan, nang hindi nagbabayad ng anumang buwis.
Kung kukuha ka ng pera, maaari mo itong i-ambag muli sa susunod na taon, bilang karagdagan sa taunang pinakamataas.
Maaari kang humawak ng malawak na hanay ng mga pamumuhunan sa isang TFSA, tulad ng cash, mga GIC, mga bono, mga stock at mga mutual fund.
Maaari kang maglagay ng pera sa account ng iyong asawa o common-law na kapareha.
Mga FHSA
Ang Account ng mga Ipon para sa Unang Bahay [First Home Savings Account] ay isang uri ng rehistradong plano sa pag-ipon para sa mga Canadian na nag-iipon para makabili ng kanilang unang bahay.
5 mga bagay na dapat malaman tungkol sa mga FHSA
Maaari kang magbukas ng FHSA kung ikaw ay residente ng Canada na 18 taong gulang o mas matanda.
Makaka-ipon ka ng hanggang $40,000 sa isang FHSA. Maaari kang mag-ambag ng hanggang $8,000 bawat taon.
Ang mga kontribusyon ay mababawas sa buwis.
Kapag nagbukas ka ng FHSA, magagamit mo ito hanggang 15 taon. Pagkatapos ng oras na iyon, dapat ito ay isarado.
Kung hindi ka bibili ng bahay, anumang hindi nagamit na ipon sa iyong FHSA ay maaaring ilipat sa isang RRSP. Maaari rin itong i-withdraw bilang kita na maaaring buwisan.